"LAB ISTORI NG BULAKLAK AT PAGONG"
Naakit sa beauty ng isang bulaklak,
Ang turtle na dati di marunong humalakhak
He now saw the beauty of life
Dahil nakita na nya ang kanyang future wife
pero ang problem, paano nga ba?
kanilang katawan, ay mapag-iisa?
isang pagong na kung maglakad ay hukot...
at isang bulaklak na hindi mahugot
so he prayed to the sea of God,
para ang wish nya ay matupad
wholeheartedly kanyang hiniling
na ang bulaklak di na mwala sa kanyang piling...
pero habang lumalakad ang araw
tila ang pag-ibig nya ay walang linaw
wala na ba talagang pagasa...
para makuha ang tender loving care nya
then one day, he heard a voice
at ang sabi "you have a choice"
one is to keep holding on...
At ang isa ay simply move on
At sya'y nag-isip ng sandaang ulit
tatalikod ba o tuluyang mangungulit?
Then he had his realization...
Sya na ay nakapagdesisyon
pag-ibig nya ay puro at di maglalaho
ngunit kailangan ding talikdan ito
Dahil wala ng lugar ang kanyang sarili
Sa puso ng bulaklak...ng munting binibini...
biglang ang tinig na mula sa kung saan
"matutupad pagong, ang iyong kahilingan"
Then sabi ni pagong...
"wag na po...di ko na kailangan ang iyong tulong"
nguit biglang napaisip ang pagong.
Bakit hindi kaya mag-go on?
Try na sundin ang kanyang hiling.
Na ang flower ay kanyang makapiling.
Then sabi nya, “ano ba ang iyong kundisyon?”
At susubukan kong matugon.
At ang tinig, muling sumambit,
“kamatayan mo ang syang kapalit”
Nalungkot si pagong at tumingin sa bulaklak
At nilanghap ang bangong humahalimuyak
“Dahil mahal ko ang bulaklak na ito”
“Ang kamatayan ay haharapin ko”
At sa isang iglap ang kawawang pagong
Di na huminga, sa lupa’y bumaon
Nakita iyon lahat ng bulaklak
At dahil dun, sya’y napaiyak.
Ang luha’y dumilig sa buong kalupaan,
At sa yumaong pagong, lupa’y nadiligan
Sa isang iglap, ay may biglang tumubo
Isang halaman na matipuno.
At ang halaman ay biglang namulaklak
Ito ang pagong na may pag-ibig na tapat
Sabi ng pagong ng sila’y magkapiling
hanggang sa pangalawang buhay kaw pa din ang mamahalin.
jeddsteelhead here... those were the days :)
ReplyDelete